Tuesday, December 27, 2011

sa susunod na magpopost ako dito.,,.ikwekwento ko ang lahat ng nararamdaman ko.,,

Sunday, December 18, 2011

"Talumpati ng Puso"

araw ko ay nagiging maganda
kapag ang text mo sa umaga ay nababasa
hindi man madalas magkita
masaya ako nung sinundo kita

hindi ko alam kung bakit ganito
ang damdamin ko para sayo
matagal-tagal ko ring itinago
bago mo lubusang natanto

sa sarili ko'y nangako
na hindi ako mahuhulog sayo
pero bakit ganito?
hindi ka maalis sa puso't isip ko

sa lahat ng tao'y inamin ko
na ikaw ay gusto ko
kesihodang ako'y masaktan
ikaw ay maging akin lang

kung ang hangad ko'y ganda
ikaw yun at wala ng iba
ikaw lang ay sapat na
damdamin ko sanay pagbigayan mo na

edz_10

kung bakit ko naisulat 'to,,kung para kanino 'to,hindi na siguro dapat sabihin at ipaliwanag pa,,masaya akong naghihintay,kahit malayo ang pag asa para sa akin,,
Ayokong magturo ng kahit sino,dahil ayokong magsabi ng "wala akong sinisisi" dahil kabaliktaran ito ang katotohanang meron dapat managot,,hindi ako ang nagbaluktot,kaya wala kong dapat ituwid,matalino ka,kaso ginagamit mo sa panlalamang,hindi mo kaylanman madadala sa langit ang perang hawak mo ngayon,kung mali man ang sinabi ko,patunayan mo yan sa harap ng papel.
Sabi sa libro ni katler na prnciples of marketing,companies must give the needs,wants and demands of the customers,.natumbok nilang lahat yan sa mga target market nila..pero sa mga taong ginagawa ang lahat para palaguin ang negosyon ng isang kumpanya ay hindi maibigay kahit man lang sana NEEDS nila bilang manggagawa.hindi ko alam ang dahilan at paniniwalang meron sila,pero ang bawat tao ay marunong magisip,magmasid,sa kung ano ang nakikita nila sa kapaligiran nila,,
Hindi ko isinulat 'to para maghabol ng pera,ito'y isang malayang pagpapahayag,na ang bawat tao may KARAPATAN.at yun ang minsan ipinagkait saken at maging sa mga nakasama ko sa pagiging manggagawa.hindi rin ito derektang patama,ito ay patunay lamang na lahat ng tao may karapatang mag pahayag,maisip,dahil lahat ng tao may sariling libro sa utak na pwede nyang ituro sa iba,,PERIOD!!

Saturday, December 11, 2010

"AKO"

magami ang nagulat
ng ako ay sumulat
tula ko ma'y walang sukat
mata'y nakapikit,kahit dilat

marahil di nila batid
mensahe kong hatid
sa tula ko daw na pangit
salita nilang mapanglit

salita ko ang letra
tiig ko ang tinta
kahit ikaw ay tumawa
susulat pa rin akli ng letra

Monday, December 6, 2010

wala mang nakakabasa,meron namang nakakabalita.mabuti nang may nakakaalam kesa naman nakahang lang

Friday, November 26, 2010

nakakatuwang pagmasdan ang bagong mukha ng blog ko.,.,may makapansin nawa at maisipsng sumunod..,

Wednesday, November 24, 2010

Sa unang pagkakataon,at sa unang pagtatangka sa website,edz_10 at ito po ang "mensahe ko"