Sunday, December 18, 2011

"Talumpati ng Puso"

araw ko ay nagiging maganda
kapag ang text mo sa umaga ay nababasa
hindi man madalas magkita
masaya ako nung sinundo kita

hindi ko alam kung bakit ganito
ang damdamin ko para sayo
matagal-tagal ko ring itinago
bago mo lubusang natanto

sa sarili ko'y nangako
na hindi ako mahuhulog sayo
pero bakit ganito?
hindi ka maalis sa puso't isip ko

sa lahat ng tao'y inamin ko
na ikaw ay gusto ko
kesihodang ako'y masaktan
ikaw ay maging akin lang

kung ang hangad ko'y ganda
ikaw yun at wala ng iba
ikaw lang ay sapat na
damdamin ko sanay pagbigayan mo na

edz_10

kung bakit ko naisulat 'to,,kung para kanino 'to,hindi na siguro dapat sabihin at ipaliwanag pa,,masaya akong naghihintay,kahit malayo ang pag asa para sa akin,,

No comments:

Post a Comment